Wednesday, May 09, 2007

Jokerjester ver 2.0

Yup, I love to draw clowns (and I would like to point out na wala akong clown fetish). This was done again using Microsoft Paint. Bale ito yung ilalagay ko sa bago kong sig sa mga emails ko.

Click to view article...

Tuesday, May 08, 2007

Tag-ulan Na!

Bwiset! Bakit ngayon pa umulan?

Sabi ko na nga ba uulan. Wrong timing naman pagbayad ko ng bill ng kuryente sa Megamall akala ko kasi hindi uulan kahit sobrang dilim ng mga ulap. Hindi na rin ako humiram ng payong kasi alam ko panandalian lang ako mawawala.

Tag-ulan na ba? Ang aga naman. Mayo pa naman ah. Di ba summer pa?

Bwiset! Bakit ngayon pa umulan?

Bwiset! Bakit ngayon pa ako nagsuot ng puting polo? Bumakat tuloy mga utong ko kanina.

Click to view article...

Wednesday, May 02, 2007

Going to a Golden Wedding Anniversary

Bale ito yung plano: pagkalabas ko ng trabaho uwi muna ako sa apartment para kunin ko mga dadalhin ko sa byahe tapos meet ko si Maia pagkatapos din ng trabaho nya para makapagdinner pa kami bago kami umuwi sa kanila para kunin din nya ang mga bagaheng dadalhin nya sa byahe tapos kukuha kami ng tricycle mula sa kanila papuntang Victory Liner Pasay para sa bus papuntang Baguio. Whew!

Simple lang diba?

Target time namin para makakuha ng bus ay 8pm then travel time is 5 to 6 hours since gabi naman yun para makarating pa kami ng Baguio ng mga around 1 am para makapagprepare pa kami ng aming susuutin at para makapagpahinga pa kami ng konti.

Simple lang diba?

Kaso hindi eh!

7:30 PM na ako nakalabas ng trabaho. Dahil sa traffic mga 8pm na ako nakauwi sa apartment. Dahil sa dami ng trabaho ni Maia mga 9pm na kami nakapagkita. Dahil matagal maluto yung mga inorder namin kahit lagi kami nagpapafollowup mga 10pm na kami nakauwi sa tinitirhan ni Maia. Dahil walang makuhang tricycle mga 11pm na kami nakaabot sa Victory Liner Pasay.

Malas talaga namin. May naihian siguro akong dwende.

Nung tinanong namin yung kahera sa Victory sabi nya next trip daw ay 12am pa. Dahil sa sobrang way behind schedule namin ni Maia sinubukan naming magchance passengers na lang sa 11:30 PM trip.

Pucha! Simot lahat ng mga upuan. Kawawa kaming mga chance passengers na umaasang makaupo sa bus. Agad kong tumakbo pabalik sa kahera para kumuha ng 12am slots namin ni Maia.

Pucha! Wala na! Next trip na daw ay 1am na! Pucha! Pucha! Pucha! Kung kelan naman nagmamadali...

Siguro tinatawanan na ako ng dwendeng basang basa sa ihi ko.

1 AM pa! Sana kumuha na lang ako ng mga ticket namin nung meron pa yung 12am trip. Dahil sa sobrang badtrip nasungitan ko si Maia. BAD MOVE! Ayaw nya ako tuloy kausapin.

Pucha! Hoy dwende lumabas ka! Kung gusto mo bumawi ihian mo na lang ako! Wag ganito!

Sa mga taong nakakakilala sa akin alam nila pag gusto ko ang isang bagay, kahit gaano man ito kasimple o kaliit, gagawin ko ang lahat para makuha ito.

Dahil sa kagustuhan kong umuwi ng Baguio at dahil nakapagpromise ako na gagawin ko ang lahat para umuwi para umattend ng Golden Wedding Anniversary.

Ayaw kong tanggapin ang aking pagkatalo. Pumila uli ako sa chance passengers ng 12am trip kahit alam kong fully booked na yun. At ako'y nagdasal.

Ang lakas ng dasal ko. Hindi pa ako tapos magdasal kinausap ako muli ni Maia pagkatapos ko siyang sungitan.

Kuha na lang daw ako ticket ng 1am trip.

Ano ba! Teka lang. Sayang din naman baka maraming magpapacancel ng trip nila.

Pero hindi naging ganito ang sitwasyon. Paisa-isang dumating ang mga pasahero ng 12am trip. Madami pang naka-taxi na nagmamadaling pumunta ng istasyon pilit habulin ang trip.

After ilang minutes lang ang nakakaraan halos napuno na ang bus. Nawawalan na kami ni Maia ng pag-asang makarating ng Baguio ng maaga. Nawawalan kami ng pag-asang makasama ng kahit konti ang aming mga kapamilya. Nawawalan na kami ng pag-asang makapaghanda at makapagayos ng sarili bago pumunta ng simbahan. Nawawalan na kami ng pag-asang umabot sa selebrasyon. Nawawalan na kami ng pag-asang magkaroon ng rason para lumamon ng maraming pagkain.

Pero ewan ko ba kung bakit patuloy na sinasagot ni Lord mga panalangin ko kahit patuloy ko siyang inaasar.

"Madami pang bakante" sagot ng konduktor sa isang chance passenger na nagtanong. Ayos! Natuyo na rin yung dwendeng inihian ko.

"Pero bawal pang pumasok! singit ng tomboy na sekyu. "Hintayin muna natin ang 12 baka may darating pa. Mahirap nang mapaalis pag nakaupo na".

"Ilang minutes na lang ba?" tanong ni Maia sa sekyu.

"Mga 5 minutes na lang pwede na magpapasok" naman ang nakuha nyang sagot.

Yun na siguro ang pinakamahabang 5 minutes ng paghihintay sa buong buhay ko kasi 12:15 na kami pinapasok nung sekyung tibo (actually sa puntong ito hindi ko alam kung babae nga ba talaga yung sekyu into kasi pwede na siyang kunin bilang kontrabida sa mga pelikula ni Lito Lapid). Kinuha namin ang bakanteng seat number 11 at 12. Mukhang hindi na umabot ang mga dapat na sasakay dito. May naihian ata silang dwende.

Ayos! Ang ganda ng turn of events. Nagsorry ako kay Maia sa pagsusungit ko sa kaniya. Ok lang daw sa kaniya. Naintindihan nya naman sitwasyon ko at sabi nya kahit sino naman daw ay mababadtrip pag sa kanila din nagyari ang mga kamalasang niranasan ko. Nagkatitigan kami ni Maia habang paalis na sa terminal yung bus na sinasakyan namin. Yinakap nya ako at hinalikan sa pisngi bago niya inayos ang sarili niya para matulog habang yakap ko. Ayos ang ganda ng ending pwede pangpelikula. Bati uli kami ni Maia at papunta na kami ng Baguio.

Everything turned out ok din in the end...

(Pahabol: Dalawang beses nasiraan yung bus na sinakyan namin ni Maia. Dalawang beses kami tumigil para ayusin ang aircon na nagmamalfunction na nagko-cause ng overheating at pagiingay ng makina ng bus. Halos 30 minutes din ang nasayang sa pag-ayos ng sirang ito. Malas. May naihian ata akong dwende.)
Click to view article...

Template Designed by Douglas Bowman - Updated to Beta by: Blogger Team
Modified for 3-Column Layout by Hoctro