Wednesday, April 25, 2007

Optimus Prime's Trailer

Matagal ko na gusto malaman sagot nito. Matagal ng bumabagabag sa isip ko ang tanong na ito mula nung bata pa ako.

Hindi ko alam kung sino ang aking lalapitan. Wala sa lahat ng mga pinagtanungan ko ang may alam. Hindi ako kuntento sa mga sagot na binigay ng mga nagtangkang sagutin ang tanong kong ito.

Ako'y uhaw na sa katotohanan. Ilang beses ko na rin gustong sumuko sa paghanap ng kasagutan.

Hindi ako sumuko. Ayaw ko sumuko. Lagi kong pinapaalala sa sarili ko na balang araw ay malalaman ko na rin ang sagot dito. Balang araw ako'y magiging malaya sa pagkabagabag na dulot nito.

Fast Forward tayo ng ilang years...

Matanda na ako at marami na nabago sa mundong kinatatayuan ko. Sa panahon ngayon madali ka na makakuha ng mga impormasyong kailangan mo.Lahat ng nais mo ay madali mo nang maangkin dala ng mabilisang pagbabago ng teknolohiya.

Sa panahong ito nakuha ko na rin ang sagot na inaasam ko.

Sa wakas natapos na rin ang ang aking paghihirap. Tapos na ang aking paghahanap. Malaya na ako.

Alam ko na kung saan pumupunta ang trailer ni Optimus Prime pag nagtatransform siya!

Sa mga nakakaalala sa cartoons dati pag nagtatransform si Optimus Prime from truck mode to robot mode mapapansin mong bigla na lang mawawala ang trailer nya. Babalik na lang ito kung magtatransform siya pabalik ng truck mode. Agad tinignan ng mga pinagtanungan ko sa toy forum kung ano nangyayari sa trailer during transformation gamit ang kanilang mga resources. Pinanood uli nila ang kanilang mga DVD collection. Nung tinignan daw nila ang transformation sequence in slow-mo nakita nilang umaatras yung trailer hanggang mawala sa view ng camera. Naconclude nilang nagtatago lang daw trailer nya.

Hindi ako kuntento sa sagot na ito. Agad akong humingi ng saklolo sa Wikipedia.

Ito ang sagot na nakuha ko.

"The original Optimus Prime transforms into a late 70's or early 1980s Freightliner LLC cab-over-engine (COE) semi-trailer truck, comprising three components. The truck's cab transforms into the robot mode of Prime himself, with vast strength and armed with a laser rifle. Within his chest is contained the mystic talisman known as the Autobot Matrix of Leadership (or Creation Matrix), carried by all Autobot leaders and passed down through the ages. The truck's trailer disconnects and transforms into the Combat Deck, a mobile battle-station/command headquarters with an "Auto-Launcher" robot armed with assorted artillery and beam weapons. It can also serve as radio antenna for battlefield communications between the Autobots. The Combat Deck can launch Prime's third component, Roller, a mobile scout buggy that can easily slip behind enemy lines; when Roller is present somewhere, it is as if Prime is there himself. Injury to one component is felt by each of the others, and while Prime could survive the destruction of either, despite the slight degree of autonomy they possess, the Combat Deck and Roller would not be able to survive without him."

Ano daw? Teka kuha muna ko tissue kasi dumugo ilong ko...

Hindi lahat ng episodes nafifeature ang Combat Deck. Hindi naman ito lagi nagagamit. At kung laging nagiging combat deck ito dapat neextra pa rin ito during battle scenes kahit minsan lang.

Siguro nga nagtatago ito... Nah.

Tinuloy ko uli ang aking investigation and research at nahanap ko rin ang pinakapossible na sagot dito.

Sa Transformers Universe meron tayong tinatawag na "Mass Reduction" kung saan may abilidad ang mga ang mga Transformers na magpaliit ng mga components nila. Ang pinakamagandang example dito ay si Megatron.

"Megatron transforms into a Walther P38 pistol, delivering more focused energy blasts. He can shrink and reduce his mass as he transforms, assuming sizes that comfortably allow either another Transformer or even a human being to wield him. In one instance (the episode "Dinobot S.O.S."), he retained his full size and connected to jet-mode Starscream's underside."

Mass reduction din ang ginagamit ni Soundwave pag nagiging microcassette recorder siya at ni Perceptor kapag nagtatransform siya as a microscope.

So in conclusion since may abilidad silang magpalaki at magpaliit ng mga components it follows na pinapaliit ni Optimus Prime ang trailer nya para maitago ito at kung kelangan na nya during transformation lumalabas ito, lumalaki, at kumakabit sa kaniya sa truck mode. Meron din akong nabasa na yung space na nawala sa pagreduce ng mass ito ay kanilang nilalagay sa isang dimension at ito'y kanilang kukunin pag kailangan na (sana applicable din ito sa mga bilbil ko...).

Pero hindi pa ako tapos. Tinuloy ko pa rin research ko at marami pa ako nakita.

Lahat ng mga kakabanggit ko ay applicable lamang sa Optimus Prime sa Generation 1 cartoon series. Paano naman yung mga ibang version nya?

No problem. Halos lahat naman ng mga alternate modes ng mga ibang versions nya ay hindi gumagamit ng trailer: Gorilla siya sa Beast Wars na series, White Lion sa Beast Wars II na series, Woolly Mammoth sa Beast Wars Neo na series, at Fire Engine siya sa Robots In Disguise na series.

Pero paano yung mga versions na may trailer siya?

Two words... Supermode (one word ba ito???)

Sa mga ibang versions niya may mga modes na dumidikit ang trailer sa kaniya pag nagtatransfrom siya: sa Super-God Masterforce na series nagcocombine sila ng kaniyang trailer pag nagiging Super Ginrai at sa Armada na series nagcocombine din sila ng kaniyang trailer para sa Super Mode na form nya.

Ok na ba tayo dito? Siguro naman marami din kayong natutunan sa akin. Siguro naman hindi lang ako ang naghahanap ng kasagutan dito.

Salamat sa pagbabasa. Iwan ko muna kayo kasi may bago akong nireresearch...

Bakit laging inuuna ni Superman ang pagsuot ng pantalon bago nya isuot brief nya?
Click to view article...

Thursday, April 19, 2007

BIR Filing Adventure

Huli na ng makita ko na nalampasan ko na ang date na nilaan ng HR para sa pagbigay sa kanila ng mga kulang kong mga documents para ma-file nila ang ITR (Income Tax Return) ko. Kailangan ko kasing kunin ang BIR form 2316 ko from my previous employer at the next day ko pa ito makukuha kasi dito ako sa Ortigas nagtatrabaho at sa Makati ko pa makukuha yung mga documents na ito.

Kinabukasan, agad kong nakuha yung documents ko after office hours. Since Friday na yun mapaparoute ko pa lang ito sa HR pagpasok ko sa Lunes.

Late na ako ng 6 days sa pagfile ng aking ITR.

Pagkapasok ko ng Monday agad kong pinaroute yung documents ko sa HR. Nakarating ito sa kanila mga hapon na.

Late na ako ng 7 days sa pagfile ng aking ITR.

Tinawagan ako ng HR at sinabing kulang ang mga documents na pinaroute ko.Hindi ko sinama ang mga BIR Form 2316 ng aking pangkasalukuyang trabaho. Sabi nila dapat din daw itong isama sa computation. Ipinaroute nila pabalik sa akin ang aking mga kulang na documents mga hapon na. Matatanggap ko pa lang ito kinabukasan.

Late na ako ng 8 days sa pagfile ng aking ITR.

Pagkakuha ng mga documents ko agad kong pinaprint ang nirerequire nilang Form 2316 na makukuha sa website na sinabi nila. Pagkatapos kong magfillup uli at magrecompute agad kong pinaroute pabalik sa HR ang kumpleto kong documents. Hapon ko na natapos ang mga ito kasi may trabaho din akong isinasikaso nung umaga. The next day pa lang matatanggap ng HR ang mga ito.

Late na ako ng 9 days sa pagfile ng aking ITR.

Akala ko tapos na.

Tinawagan uli ako ng HR. Sabi nila ako daw mismo ang magfafile sa BIR ng ITR ko kasi "not consolidated case" daw ako. Nagtataka sila kung bakit pinaroute ko pa pabalik sa kanila mga documents ko. Mukhang hindi kami nagkaintindihan sa phone conversation namin dati. Hapon na ako tinawagan. The next day ko pa makukuha uli mga documents ko.

Late na ako ng 10 days sa pagfile ng aking ITR.

After lunch ko na nakuha mga documents ko. Agad akong nagpaalam na Team Lead namin na labas ako maaga para makapagfile ako ng ITR. Buti na lang pwede akong magoffset kasi madaling araw na ako nakauwi nung day na yun. Mula sa opisina namin tinakbo ko na papuntang MRT station. Medyo malayo-layo din yun. Kailangan makarating ako ng Atrium bago magsara ang BIR office dun ng 5pm. Bwiset! Naka-long sleeves pa ako habang mataas ang araw at sobrang init ng panahon... with matching leather shoes pa.

Pagkababa ko sa Ayala MRT station malayo-layo rin nilakad ko papuntang Atrium. Ang lakas na ng tulo ng aking pawis at feeling ko naging chicharon na lahat ng mga taba ko sa katawan. Sa layo ng nilakad ko konti lang ang nakita kong pwedeng masisilungan. Pero hindi ko na inisip sumilong at magpahinga. Kailangan ko mahabol ang closing ng BIR!

Pero san nga ba yung BIR?

"Sir, pasok lang kayo at makikita nyo na agad sa may kanan..."

Metrobank naman.

Ah! Baka dun sa may nakasulat na BIR...

"Ano kailangan mo?" ang tanong sa akin ng isang bruskong lalaking mukhang kontrabida sa pelikula na nakaupo sa mesa sa labas ng branch.

"Magfafile lang po ng ITR. Dito po ba?" sabay abot ko sa kaniya mga dokumento ko para maexamine nya.

"Bakit ngayon lang ito nung 16 pa dapat ito."

Yahoo! Late lang pala ako ng 2 days! Sa HR lang pala ako late ng 10.

"Nagkawala-wala po kasi ang mga ito habang pinaparoute po pabalik sa akin ang mga documents kong ito" ang sabi ko na lang. Mas ok kasi pakinggan yun kaysa "Tinamad ko kasing gawin at ano naman paki mo!".

"Punta ka 5th floor at dun mo ibigay ito."

Pucha! Ewan ko ba kung bakit napakamalas ko ng araw na yun. Ano kaya nagawa ko.

Pagod. Uhaw. Inis. 5th Floor. Walang gumaganang escalator.

Pucha! Pucha! Pucha!

Pagkadating dun dami palang office ng BIR sa floor na yun!

30 minutes to go bago magsara BIR.

Pucha! Pucha! Pucha!

Pero kahit papaano malakas din tsamba ko.

"Bakit ngayon lang ito? May fee na ito sa pagiging late. Pasok ka sa loob."

"Bakit ngayon lang ito? Hindi dito yan. Punta ka dun."

"Bakit ngayon lang ito?"

"Bakit ngayon lang ito?... Bakit ngayon lang ito?... Bakit ngayon lang ito???!!!"

OO NA! SORRY LATE NA! TINAMAAN LANG NG TAMAD! ANO BA! SUNTUKAN NA LANG!... Bwiset! Ilang beses ba nila uulitin! Malapit ko na mabulalas ito. Buti na lang pinigilan ko sarili ko.

"Pasok ka sa kwarto dun... at bakit ngayon lang ito?"

Anak ng pucha naman oh! Isa ka pa!

Sa wakas, nakita ko na rin ang pagbibigayan ko ng mga documentong basang-basa na ng pawis ko at medyo nalukot-lukot dahil sa kakatakbo ko.

"Ano po yun?"

"Magfafile lang po ng ITR. Dito po ba?"

"Ah ito ba? Bakit ngayon lang ito?"

"Ah eh hehehe nagkawala-wala po habang pinaparoute po papunta sa akin ang mga ito."

Pagkaabot ko sa kaniya agad nyang tinatatakan mga dokumento. Pagkatapos nito inabutan nya ako ng isang set ng mga forms na may tatak at sinabing "Ito kopya mo".

"San po ako pupunta next?"

"Tapos na."

"Yun lang po ba?"

"Oo."

Pucha! Ganun lang kadali! Ang layo pa ng pinanggalingan ko! Malayo pa nilakad ko! Halos madehydrate na ako sa init ng panahon...

Ganon lang pala kasimple! Wala akong binayarang fee dahil sa pagiging late. Hindi na ako pumila ng pagkahaba-haba.

Ganon lang pala kasimple! Ok lang pala ang maging late hehehe.

Pagkalabas ko ng Atrium sinalubong ako ng malakas na sikat ng araw. Grabe hindi pa rin nagbabago ang init magmula ng pumasok ako sa Atrium. Buti na lang may nagtitinda ng sorbetes malapit sa fishball-an sa labas ng entrance.

Ang sarap talaga kumain ng sorbetes na pinalaman sa tinapay pag maiinit ang panahon. Buti na lang dalawa binili ko.
Click to view article...

Wednesday, April 18, 2007

Rook

Bagong drawing ko na naman using Microsoft Paint. Ito ay gagawing logo ng batch ng nagpagawasa akin.

Kung mapapansin ninyo ang kamay na ginamit ko ay galing sa Juggernaut artwork ko hehehe cut and paste lang walang kahirap hirap magisip...

Tamad ko talaga...

Click to view article...

Combatron

Wala na namang magawa sa opis... buti na lang may Microsoft Paint hehehe.

Grabe nami-miss ko ng magbasa ng Funny Comics. May nakakaalala pa ba kay Combatron? Here is my tribute...

Click to view article...

Wedding Treasure Hunt

A quick sketch for my cousin who is getting married this month nagpadrawing siya sa akin ng map papunta sa reception nila hehehe nilagay ko ito para hindi masyadong plain yung ginawa ko i.e. something extra...



Click to view article...

Vampire

Another picture done using Microsoft Paint. Actually matagal na ito sobra limot ko lang i-upload. I made this just in time for Halloween last year... for no apparent reason...


Click to view article...

Cobowlicious Logo

A project of mine. Logo ng bowling team ng mga kasama ko sa work para sa bowling tournament na sinalian nila (with variants hehehe hindi kasi sila makadecide sa color ng logo).

ORIGINAL LOGO:

VARIANTS:










Click to view article...

Group Shot

Another Microsoft Paint Artwork. Ito ay "group shot" ng mga past artworks ko na pinagkabit-kabit ko using Paint.

Click to view article...

Muning (Unfinished)

Another Microsoft Paint Artwork. I'm planning to finish this pic in the near future kaso pen on paper na yung medium. Mahirap pala gawin ito pag Microsoft paint gagamitin mo.


Click to view article...

Muning (Head)

Another Microsoft Paint artwork. Bale, first anime drawing ko ito using another medium. Ngayon ko lang napansin... mali yung mata nya kasi magkaiba reflection ng ilaw...

Oh well...


Click to view article...

American Kikay

Another hand drawn image...

Pinagawa sa akin ng officemate ko dati para sa stage play ng girlfriend nyang entitled "New Yorker In Tondo". I was asked to do a silhouette of a "kikay" version of the Statue of Liberty for their poster...

Mas mahirap pala gumawa ng silhouette kesa normal illustration.


Click to view article...

Majin Bon

Ok another hand drawn artwork...

Inaasar kasi namin yung kaibigan ko dati. Tawag namin sa kaniya "Majin Bon". Nung gumawa ako ng charicature nya sobrang nagustuhan nya ginamit nya pa ito bilang logo ng computer shop nila hehehe.

Drawn and inked on paper then colored using Photoshop. This is already a scanned image of my artwork. Bale wala na yung raw JPG file nya nabura na sa harddisk ko dati nung nagka-virus(huhuhu).


Click to view article...

Jester Girl

Ok hand drawn artworks naman...This was hand drawn and inked by me then I colored it using photoshop. Hehehe sorry hindi ako ganun kagaling...

Oo nga pala, yung ambigram na "MAYA" sa may lower right was done using Microsoft Paint and Microsoft Word (yes WORD). Hehehe dun ko ginawa yun.


Click to view article...

Skull ver 2.0

Ito yung ginamit kong ulo ni Bone Fletcher sa updated version nya. Done using Microsoft Paint


Click to view article...

Bone Fletcher (DOTA) ver 2.0

An update to my Bone Fletcher artwork. Added shading na nakalimutan ko lagyan (actually tinamad ako lagyan dati). This was done using Microsoft Paint.


Click to view article...

Sentinel

Made this artwork kasi wala na naman akong magawa sa office. Done using Microsoft Paint.


Click to view article...

Kalabaw

Kalabaw using Microsoft Paint.


Click to view article...

War Elephant

War Elephant Using Microsoft Paint.


Click to view article...

Devil

Devil Using Microsoft Paint.


Click to view article...

Tamaraw FX

Tamaraw FX using Microsoft Paint. Sorry about the name wala na kasi ako maisip na ipangalan dito eh.


Click to view article...

Juggernaut

One of my old works. This was done during my COBOL bootcamp days before I was assigned to a project. As you can see medyo bored ako kaya ginawa ko ito. This was done using Microsoft Paint.


Click to view article...

Skull

This is the skull na ginamit ko bilang ulo ni Bone Fletcher na dati kong pinost na artwork. This was done using Microsoft Paint.


Click to view article...

Jokerjester

Another artwork done using Microsoft Paint. I'm currently using this pic for my sig sa mga emails ko.


Click to view article...

Snowman

I made this during the last Christmas Season. This was done using Microsoft Paint.

Ito rin ginamit ko sa mga electronic Christmas cards na sinend ko sa mga emails. Hehehe, hindi ko muna idedelete ito. Pwede ko pa itong irecycle para sa mga darating pang Christmas Seasons.

Click to view article...

Bone Fletcher (DOTA)

This was done last December sa office. Inaantok kasi ako at wala masyadong trabaho nung araw na yun. This was done using only Microsoft Paint. Nagpapagawa kasi officemate ko ng sig niyang gagamitin sa mga emails nya.


Click to view article...

Hello World !!!

Damn! my first post. Hehehe, wala lang try ko lang mag ganito...

I'll try to fill this site with my artworks and comic strips. Matagal ko na kasing plano ito hindi ko masimu-simulan. Buti na lang nakakita ako ng matinong free blog hosting (Why BlogSavy? Free... Easy To Use... May libre ng themes... at hindi nabablock ng Websense dito sa office). Medyo kinakapa ko pa kung paano magpost dito (sorry noob lang ako pagdating sa ganito... Friendster ko nga hindi ko maayos-ayos).

Oo nga pala, sa mga magiging bisita ko dito (kahit wala pang kalaman-laman) uunahan ko na kayo...

Maraming maraming salamat po sa pagbisita... Sorry wala po dito mga scandals na hinahanap nyo.

Ok! On with the show...

Click to view article...

Template Designed by Douglas Bowman - Updated to Beta by: Blogger Team
Modified for 3-Column Layout by Hoctro