Monday, October 29, 2007

Maskara

Ah, Holloween na naman...

Sa aking pagto-toy hunt sa Megamall nagulat ako sa dami ng mga nakadisplay na mga maskara at accessories na pang-halloween. Grabe, nagmimistulang karnibal ang paligid sa dami ng mga nilalabas na makukulay na display. Sa isang iglap akala mo Pasko na pero kung titignan mong maigi puro bungo, aswang at halimaw ang lalantad sa iyo.

Ayos, pagkakaperahan na naman ang mga batang nais bumili ng maskara. Pero pansin ko habang tayo'y nagiging modernisado sumusunod din ang pagbabago ng mga bagay na kinakatakutan natin. Tumambad sa akin ang rack ng mga maskarang ito:

Ayos. Kahit hi-tech na ang lahat takot pa rin tayo sa aswang, halimaw at mga zombies. Pero kung titignan nyo ng mabuti ang picture parang merong maskarang naiiba:

Ano ito! Kabilang na si Bin Laden sa mga aswang at lamang lupang naghahasik ng lagim tuwing sasapit ang dilim. Yan ang dala ng modernisasyon.

Para mas epektib ang maskarang ito sabayan mo ng pagdala ng AK-47. Pero kung gusto mong taguan ka ng mga tao isuot mo ang maskarang ito at magdala ng scooter. Tiyak na magkukubli sila sa iyo. Hindi dahil sa takot kundi magmimistulang lahat sila may utang sa iyo!

0 comments:

Template Designed by Douglas Bowman - Updated to Beta by: Blogger Team
Modified for 3-Column Layout by Hoctro